Humiling si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kay Indonesian President Joko Widodo na pag-aralan muli ang kaso ni Mary Jane Veloso.
Ginawa nang pangulo ang kahilingan sa sidelines ng 42nd ASEAN Summit and Related Summits sa Labuan Bajo, Indonesia.
Sa panayam kay Pangulong Marcos, sinabi nitong mabilis lang ang kanilang pag-uusap ni President Widodo, nangyari aniya ito habang magkasabay silang naglalakad sa isa sa mga event sa ASEAN summit dahil sa hectic schedule nito.
Nabanggit rin daw ng pangulo na patuloy na nagtatrabho ang gobyerno ng Pilipinas para sa kaso ni Veloso pero binigyan diin ng pangulo na nirerespeto nIya ang batas sa Indonesia lalo sa usapin ng iligal na droga.
Una nang sinabi ng presidente na hindi titigil ang gobyerno sa paghingi nang anumang legal remedies gaya ng pardon, pagpapababa ng sentensya o kaya deportation para sa Pilipinas ito parusahan.
Setyembre nang nakaraang taon nang una nang humiling ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa Indonesia nang pardon para kay Veloso matapos na maaresto nang makuhaan ng 2.6 kilo nang heroin sa Yogyakarta Indonesia noong 2010 at sinentensyahan ng kamatayan.