PBBM, idineklarang non-working day ang October 30 dahil sa pagsasagawa ng BSKE

Idineklarang non-working day ni Pangulong Ferdinand Marcors Jr., ang October 30 para sa pagsasagawa ng Barangay and Sangguniang Kabataan (BSK) Elections.

Batay sa Proclamation No. 359, na pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin at may petsang October 9 nakasaad na ginawang non-working holiday ang October 30 upang makaboto ang lahat ng mga botante.

Matatandaang una nang inutos ng Supreme Court sa Commission on Elections (Comelec) na ituloy ang pagsasagawa ng BSKE sa October 30, 2023, matapos maantala ng ilang beses.


Facebook Comments