
Iginiit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na dapat unahin ang pagkakaisa anuman ang kulay ng pulitika, dahil mas mahalaga ang kapakanan ng bansa kaysa partidong kinabibilangan.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, ang mga kilos ng Pangulo tulad ng pagbibigay-pugay kay Manny Pacquiao, at pakikipagpulong kay Naga City Mayor Leni Robredo ay patunay na hindi hadlang ang dating bangayan sa halalan para magkaisa sa serbisyo publiko.
Binigyang-diin din ni Castro na dapat iwasan ang maagang pamumulitika upang makapaglingkod nang maayos.
Sa pagbisita ng Pangulo sa Naga City, tiniyak nitong handa ang gobyerno na tumulong sa mga proyekto, kabilang ang mga hakbang laban sa pagbaha.
Hindi lamang aniya Naga ang tutulungan kundi pati iba pang lungsod na nangangailangan ng suporta ng gobyerno.










