PBBM, iginiit na hindi pamumulitika ang utos na imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects

Mariing iginiit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi pamumulitika ang kanyang direktiba na imbestigahan ang mga maanomalyang proyekto sa imprastruktura, partikular ang flood control projects ng gobyerno.

Ayon sa pangulo, walang sisinuhin ang imbestigasyon kahit pa ilan sa mga nasasangkot ay mga kaalyado niya bilang patunay na seryoso siyang wakasan ang talamak na korapsyon sa pamahalaan.

Pero din kailangan din aniyang matiyak na ang mapapanagot ay talagang guilty at hindi maipapasa sa taong walang kasalanan.

Giit pa ng pangulo, walang aasahang kaunlaran ang bansa kung mananatili ang maling sistema at mababalewala ang lahat ng programa ng gobyerno kung patuloy na lalamunin ng katiwalian ang pondo ng taumbayan.

Dahil dito, nanindigan ang pangulo na panahon na upang tapusin ang dekada-dekadang nakaugat na korapsyon sa gobyerno na namiminsala sa mga proyekto at sa kinabukasan ng mga Pilipino.

Facebook Comments