Hindi susuko at hindi magpapatinag ang Pilipinas sa paggigiit ng mga karapatan nito sa West Philippine Sea.
Ito ang naging pahayag ni Pangulong Bongbong Marcos sa usapin ng pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea.
Sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA), sinabi ng pangulo na gumagawa ng paraan ang Pilipinas upang pahupain ang tensyon sa pinag-aagawang teritoryo nang hindi nakokompromiso ang posisyon at prinsipyo ng bansa.
Nanindigan din ang pangulo na sa Pilipinas ang West Philippine Sea.
Samantala, pinasalamatan ng pangulo ang buong Sandatahang Lakas, Philippine Coast Guard at mga mangingisda sa West Philippine Sea dahil sa ginagawa nilang pagmamatyag at sakripisyo.
Facebook Comments