PBBM, iginiit na walang batayan ang mga panawagan na pagbibitiw ni DOJ Secretary Jesus Crispin Remulla

Hindi kumbinsido si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa panawagan ng ilang grupo na dapat magbitiw sa kaniyang pwesto si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla matapos maaresto ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang anak nito dahil sa pagkakasangkot sa ilegal na droga.

Sa ambush interview sa pangulo sa Philippine International Convention Center (PICC), sinabi nitong walang basehan na pagbitiwin sa pwesto si Secretary Remulla.

Paliwanag ng pangulo, ginagawa naman nang maayos ni Secretary Remulla ang kaniyang trabaho.


Ayon sa pangulo, nagbigay na rin naman ng pahayag si Sec. Remulla na hindi ito makikialam sa kinakaharap na kaso ng kaniyang anak at hahayaan nitong umusad ang proseso ng batas.

Dahil dito, binigyang-diin ng pangulo na wala rin sinuman sa Ehekutibo ang dapat na makialam sa kasong ito.

Facebook Comments