
Iinspeksiyunin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang konstruksyon ng Metro Manila Subway sa Pasig City.
Una niyang bibisitahin ang Shaw Boulevard Station sa Meralco Avenue, Ortigas, upang tingnan ang progreso ng proyekto.
Pagkatapos nito, dadalo siya sa groundbreaking ng dalawa pang istasyon, ang Kalayaan Avenue Station at BGC Station.
Ang Metro Manila Subway ay may habang 33.1 kilometro at magkakaroon ng 17 istasyon, mula Valenzuela City hanggang NAIA Terminal 3.
Target ng pamahalaan ang demo run sa 2028 at ang full operation sa 2032.
Kapag natapos, inaasahang bibilis ang biyahe at mababawasan ang trapiko sa Metro Manila.
Facebook Comments










