
Nakabalik na sa bansa si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. matapos dumalo sa 46th ASEAN Summit sa Kuala Lumpur, Malaysia, mula May 26-27.
Eksakto alas-3:19 nang madaling araw kanina nang lumapag ang eroplanong sinasakyan ng Pangulo sa Pilipinas.
Mula Malaysia ay agad na sasabak sa trabaho ang Pangulo, dahil nakatakda siyang bumisita sa Metro Pacific Fresh Farm ngayong alas-10:00 nang umaga sa Barangay Salapungan, San Rafael, Bulacan.
Matapos nito ay agad naman didiretso ang Pangulo sa Barangay Malipampang, San Ildefonso para inspeksyunan ang bodega ng National Food Authority (NFA).
Ayon kay NFA Administrator Larry Lacson, isa ang NFA warehouse sa San Ildefonso, Bulacan sa imbakan ng mga biniling palay mula sa mga magsasaka sa Region 3, bukod pa sa bodega sa Malolos.
May dalawa itong bodega na kayang pag-imbakan ng tig-58,000.









