Pinag-aaralan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na isailalim sa Office of the President ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Sa isang panayam sa Tacloban City, sinabi ng pangulo na mas matutukan ng pamahalaan ang pagtugon sa tuwing may kalamidad sa bansa kung nasa ilalim ng tanggapan ng pangulo ang NDRRMC.
Paliwanag ng pangulo, mas magiging madali kasi na magpahatid ng tulong at pagsasaayos ng mga nasirang imprastraktura at matiyak na kumikilos ang mga lokal na pamahalaan kapag mismong ang tanggapan ng pangulo ang magpapalakad sa sistema sa NDRRMC.
Sa lalong madaling panahon aniya ay isusulong niya ang hakbang na ito.
Sa kasalukuyan ayon sa presidente ay ginagawa na ng mga ahensya ng gobyerno ang kanilang pinakamabilis na pag-aksyon sa panahon ng kalamidad.
Matatandaang may mga nauna nang rekomendasyon at maging mga panukalang batas na nagsusulong na magtatag ng hiwalay na departamento para sa pagtugon sa kalamidad o ang pagtatag ng Department of Disaster Resilience ngunit patuloy na nakabinbin ito sa Kongreso.