PBBM, ikinokonsiderang bigyan ng bagong posisyon si ex-PNP Chief Torre

Ikinukonsidera ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na bigyan ng bagong posisyon si outgoing Philippine National Police o PNP Chief Gen. Nicolas Torre III, ito’y matapos siyang tanggalin sa pwesto bilang hepe ng PNP.

Ito ang kinumpirma ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla.

Ayon kay Remulla, kumpiyansa pa rin si Pangulong Marcos sa kakayahan at kasanayan ni Torre sa serbisyo.

Gayunman, wala pang ibinibigay na detalye ang Palasyo hinggil sa kung anong posisyon ang maaaring ilipat o italaga kay Torre.

Hanggang sa mga oras din na ito ay tikom pa ang Malacañang hinggil sa tunay na dahilan ng biglaang pagkakasibak ni Torre bilang hepe ng PNP.

Facebook Comments