
Gugugulin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kaniyang Holy Week break para sa makasama ang kaniyang pamilya.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, nais ng pangulo na bumawi ng oras sa kanyang pamilya matapos ang pagiging abala sa kanyang mga aktibidad.
Magsisimula ang Holy Week break ng pangulo sa Huwebes Santo dahil mayroon pa itong mga aktibidad at pulong sa Palasyo hanggang sa Miyerkules Santo.
Samantala, hindi na nagbigay ng detalye pa ang Malacañang kung saang lugar magdaraos ng Semanta Santa si PBBM.
Gayunpaman, tiniyak naman ni Castro na mananatiling nakabantay si Pangulong Marcos sa sitwasyon sa buong bansa.
Pinasisiguro rin ng pangulo ang kanyang direktiba sa kaukulang mga ahensya na tiyakin ang ligtas at maginhawang biyahe ng mga Pilipinong magbabakasyon at proteksyon para sa mga mananatili lang sa kanilang mga tahanan.