Ibinida ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na nabawasan ang problema sa iligal na droga sa bansa sa ilalim ng kaniyang administrasyon.
Ito ang tugon ng pangulo nang tanungin ni German Chancellor Olaf Scholz tungkol sa approach ng Marcos administration sa illegal drugs.
Ayon kay Pangulong Marcos, malaki na ang ipinagbago ng pagtugon ng Pilipinas sa problema nito sa iligal na droga.
Bagama’t kinikilala aniya ng pamahalaan na nananatiling problema sa Pilipinas ang illegal drugs, ay hindi karahasan ang ginagawang pagtugon nito sa drug dependents.
Nilalawakan aniya ng gobyerno ang pagsusuri sa problema at nagpapatupad ng mas malalim na solusyon.
Partikular dito ang reorganisasyon sa Philippine National Police (PNP), upang maalis na ang mga sangkot sa iligal na droga.