
Biyahe patungong Cebu si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong araw para sa paglulunsad ng Oplan Kontra Baha, kasunod ng unang rollout nito sa Metro Manila noong Nobyembre 13.
Gaganapin ang aktibidad sa Mahiga Creek, Barangay Subangdaku, Mandaue City, kasama si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon.
Sa ilalim ng Oplan Kontra Baha, magsasagawa ang pamahalaan ng desiltation o pagpapalalim sa mga ilog, creek, at estero. Kabilang din sa programa ang pag-alis ng basura at debris sa mga daluyan ng tubig, pagkukumpuni ng mga pumping station, at regular na paglilinis ng waterways upang maiwasan ang pagbaha.
Matapos ang kickoff event, dadalo naman ang Pangulo sa 31st Session ng Asia-Pacific Regional Space Agency Forum, kung saan tatalakayin kung paano magagamit ang space technology—kabilang ang satellite data—upang tugunan ang mga socio-economic challenges sa rehiyon, partikular sa disaster management.









