PBBM, inaasahang magbibigay ng pahayag kasama ang ibang lider sa ilang mga aktibidad kaugnay sa partisipasyon nito sa ASEAN EU Commemorative Summit

Nakatakdang magbigay ng mensahe si Pangulong Bongbong Marcos sa gaganaping Commemorative Summit Plenary kaugnay sa pagbubukas ng ASEAN European Union Commemorative Summit sa Brussels, Belgium.

Gagawin ang pagbubukas ang ASEAN-EU Commemorative Summit sa Europa Building kung saan lahat ng mga lider ng mga bansang kasapi ng ASEAN at European Union ay nakatakdang dumating.

Bukod sa inaasahang pagsasalita ng pangulo sa Commemorative Summit Plenary ay magkakaroon din ng press conference si Pangulong Marcos kasama sina European Council President Charles Michel, European Commission President Charles Ursula Von Der Leyen at Cambodian Prime Minister Hun Sen pagkatapos ng summit proper.


Bago ang inaasahang pagsasalita ng pangulo sa ASEAN-EU Commemorative Summit, nauna na itong nakipag-one-on-one meetings sa mga European multinational companies partikular sa Semmaris ang isang France -based company na ginanap sa Sofitel Brussels Europe Hotel.

Ang Semmaris ay namamahala sa Rungis International Market ang isa sa pinakamalaking fresh produce market na matatagpuan sa Paris, France na titiyak sa development, commercialization at magiging promotion ng markets infrastructure at seguridad.

Bilang logistic hub company, may plano ang Semmaris na mag-develop ng agrologistics service sa New Clark City, Tarlac na bubuo at mag-o-operate ng wholesale market para sa fresh products na mayroong maayos at efficient food supply at value chain.

Facebook Comments