
Posibleng magbigay ng update si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ngayong linggo tungkol sa kwestiyonableng investment ng Government Service Insurance System (GSIS) sa isang online gambling platform.
Kasunod ito ng rebelasyon ni Senator Risa Hontiveros, na inilagak umano ng GSIS sa ilalim ng pamumuno ni suspended GSIS president Jose Arnulfo Veloso ang pondo sa kumpanyang “DigiPlus,” na unang inaalok sa ₱65 kada share ngunit bumagsak na sa mahigit ₱13.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, pinag-aaralan nang mabuti ni Pangulong Marcos ang isyu.
Matatandaang sinabi ni Pangulong Marcos sa India, na bagama’t sakop ito ng tanggapan ng Pangulo, ay hindi niya alam ang issue ng GSIS.
Tinutulan din ng ilang senador ang paggamit ng pondo para iinvest ng gobyerno sa online sugal.
Una nang pinatawan ng Ombudsman ang ilang opisyal ng GSIS kabilang si President Jose “Wick” Veloso ng anim na buwang preventive suspension without pay kaugnay naman sa iniimbestigahang 1.4 billion deal sa Alternergy na isang renewable energy firm.









