Inaalam na ng gobyerno ang mga pangunahing rason ng pagbilis pa ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo.
Ngayong araw ay sinabi ng Philippine Statistics Authority (PSA) na umakyat pa sa 8% ang inflation rate nitong Nobyembre, mas mataas kumpara sa 7.7% percent noong Oktubre.
Sinabi naman ni Pangulong Bongbong Marcos na ang patuloy na pagbilis ng inflation ang nakakaantala sa pag-arangkada ng ekonomiya ng bansa.
Dahil dito, kailangan aniyang makita kung anu-anong areas of concern ang dapat na matugunan para mapigilan o mapabagal ang inflation.
Aminado ang pangulo na out of control ang inflation.
Sa kabila nito, kumpiyansa naman ang pangulo na nasa tamang direksyon ang bansa para sa pagpanatili ng pagbangon ng ekonomiya.
Inihalimbawa ng pangulo ang mga senyales o indicators nito, tulad ng malusog na growth rate, mas malakas na foreign exchange kumpara sa ibang mga currency habang reasonable naman aniya ang employment rate.