PBBM, inaming may naganap na pangaabuso sa anti-drug war campaign ng dating Duterte administration

Aminado si Pangulong Bongbong Marcos (PBBM) na may nangyaring pang-aabuso sa anti-drug war campaign sa administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa post visit report dito sa Washington D.C, sinabi ng pangulo na tumutok sa law enforcement noon ang anti-drug war campaign.

Ngunit paglilinaw ng pangulo, wala siya sa posisyon na magbigay ng assessment sa naging operasyon ng nakaraang administrasyon.


Hindi maitatanggi ayon sa pangulo na lalo pang lumakas ang mga sindikato sa illegal na droga, yumaman at naging mas maimpluwensya pa ang mga drug personalities.

Kaya ayon sa pangulo sa halip na tugisin ang bawat isa, mas makabubuting buwagin na muna ang mga sindikato.

Katunayan, sinabi ng pangulo na pinagbitiw niya ang lahat ng mga pulis na may ranggong colonel pataas para mabatid kung sino sa kanila ang sangkot sa illegal na droga.

Tinutukan din aniya ng kanyang administrasyon ngayon ang rehabilitasyon para sa mga naging adik sa illegal na droga.

Facebook Comments