PBBM, inatasan ang 37 bagong heneral ng AFP na bantayan ang kaban ng bayan

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang panunumpa ng 37 bagong na-promote na heneral at flag officers ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ayon sa Pangulo, ang promosyon ay patunay ng tiwala sa kakayahan ng mga opisyal na mamuno at gumawa ng tamang desisyon sa gitna ng mga hamon.

Binigyang-diin nito na ang isang lider ay hindi nasusukat sa ranggo kundi sa tamang asal at pagiging mabuting halimbawa.

Kasunod ng paglagda sa 2026 National Budget, hinikayat ng Pangulo ang mga sundalo na tumulong sa pagbabantay sa pondo ng bayan.

Pinatitiyak din ng Pangulo sa AFP na ang bawat pisong pondo ay nagagamit nang tama at para sa pagpapalakas ng kakayahan at kahandaan ng sandatahang lakas.

Facebook Comments