PBBM, inatasan ang DepEd at ilan pang ahensiya ng gobyerno na ikasa na ang mga kailangang paghahanda at plano para sa pagsisimula ng face-to-face classes

Inutos ni Pangulong Bongbong Marcos (PBBM), sa Department of Education (DepEd) at ilan pang mga ahensiya ng gobyerno na maglatag na ng kanilang mga gagawing hakbang para sa gagawin ng face-to-face classes na inaasahang aarangkada sa susunod na buwan.

Ang utos ay ginawa ng pangulo para agad na matugunan ang mga problemang posibleng kaharapin sa pagbabalik eskwela ng milyon-milyong estudyante para sa school year 2022-2023.

Ilan na dito ayon kay Pangulong Marcos ay ang tungkol sa availability ng classrooms, teachers at ibang pang concerns.


Kasama rin sa utos ng pangulo ang pagtukoy sa mga lugar kung saan magbe-blended learning pero para sa pangulo, kung magagawa talaga na mag face-to-face na ay ito na ang dapat na mangyaring set-up.

Pinapahanda rin ng pangulo ang mga devices at mga kailangan ng mga estudyante noong pandemic na hindi naibigay sa mga mag-aaral.

Facebook Comments