Sunday, March 1, 2026

PBBM, inatasan ang DFA at DMW na tutukan ang kalagayan ng mga Pinoy sa Iran

Inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Migrant Workers (DMW) na tiyakin ang kaligtasan ng mga Pilipino dahil sa tumitinding tensyon sa Middle East.

Ayon sa Pangulo, patuloy ang pangangalap ng impormasyon ng pamahalaan habang mino-monitor ang sitwasyon.

Prayoridad aniya ng pamahalaan ang seguridad at kapakanan ng mga Pilipino sa nasabing rehiyon.

Nakahanda rin ang gobyerno para sa anumang kailangang tulong ng mga Pilipinong apektado ng kaguluhan.

Facebook Comments