PBBM, inatasan ang DOH na paigtingin ang hakbang laban sa tumataas na HIV cases sa bansa

Nagbaba ng direktiba si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Health (DOH) na tugunan ang tumataas na kaso ng human immunodeficiency virus (HIV) sa bansa.

Sa Malacañang press briefing, sinabi ni DOH Secretary Ted Herbosa na iniutos ni Pangulong Marcos na padaliin ang pagbibigay ng serbisyo at proseso sa mga pangunahing ospital na pupuntahan ng mga persons living with HIV para matitiyak ang regular na pagkonsulta nila.

Paiigtingin din ng ahensya ang pagbibigay ng libreng anti-retroviral drugs at isusulong na amyendahan ang batas sa pagbibigay ng access sa publiko ng treatment sa HIV.

Irerekomenda rin ng kalihim na amyendahan ang panuntunan sa HIV testing ng mga babaeng sex workers, matapos lumabas na karamihan sa mga kaso ng sakit ay mula sa nasabing populasyon.

Tiniyak naman ni Herbosa na sapat ang suplay ng antiretroviral (ARV) drugs kasunod ng patuloy na pagtaas ng kaso ng HIV sa bansa.

Facebook Comments