May direktiba si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa Department of Science and Technology (DOST) na magbigay ng scholarship sa mga STEM students.
Ito ay ang mga mag- aaral na nasa linya ng science, technology, engineering at mathematics.
Sa pagdalo ni Pangulong Marcos Jr., sa 2022 National Science and Technology Week Celebration, sinabi ng pangulo na dapat ma-institutionalize ang pagbibigay ng scholarship sa mga nasabing grupo ng mag-aaral.
Importante ito ayon sa pangulo dahil sa pamamagitan nito ay mas makakapag- develop ng workforce at knowledge capability ang bansa.
Idinagdag pa ng pangulo na kailangang mag-step up ang bansa sa STEM subjects dahil magiging daan ito para makatulong hindi lang sa gobyerno kundi maging sa mga kani-kaniyang kompanyang pinagta- trabahuhan.