PBBM, inatasan ang kaniyang mga gabinete na magsagawa ng post SONA discussion

Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kaniyang mga gabinete na magsagawa ng post State of the Nation Address (SONA) discussion sa Martes at Miyerkules.

Ayon kay Pangulong Marcos, ito’y para mailatag ang buong detalye ng SONA dahil napakarami niyang nais sabihin at mahirap aniya itong pagkasyahin sa loob ng isang oras.

Hahatiin ang diskusyon sa pamamagitan ng food security and economic development cluster na binubo ng mga kalihim mula sa Office of the Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs, NEDA, DOF, DBM, DTI, DOT, DA, at DAR.


Binubuo naman ng DENR, DOST, OCD, DILG ang environmental protection and disaster risk reduction cluster.

Nasa health and social welfare protection cluster ang DOH, DSWD, DHSUD, at PHILHEALTH.

Habang nasa education and worker’s welfare development cluster na DepEd, DOLE, DMW, CHED, at TESDA.

At nasa infrastructure development and energy security cluster ang DPWH, DOTR, DOE, at DICT.

Samantala ang good governance, peace and order and security cluster ay binubuo ng DILG, DND, DOJ, DFA, ARTA, Office of the National Security Adviser, Office of the Presidential Adviser on Marawi Rehabilitation, PNP, at AFP.

Facebook Comments