PBBM, inatasan ang mga ahensya na agapan ang oil spill mula sa lumubog na fuel tanker sa Limay, Bataan

Inatasan ni Pangulong Bongbong Marcos ang mga kaukulang ahensya ng gobyerno na gawan ng paraan na huwag nang lumala ang pagtagas ng langis mula sa lumubog na oil tanker sa Limay, Bataan na may lulan na 1,494 metric tons ng industrial fuel.

Sa ginanap na situation briefing ay pinakikilos ng pangulo ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na magsagawa nng assessment sa posibleng environmental impact ng pagtagas ng langis.

Ipinasisilip din ng pangulo sa DENR katuwang ang Department of Science and Technology (DOST) ang galaw ng alon, lebel ng tubig sa karagatan at kung saan pa posibleng mapadpad o umabot ang tumagas na langis.


Iniutos din ni PBBM sa Philippine Coast Guard (PCG) na ituloy lamang ang pakikipagtulungan sa pribadong sektor para masolusyunan ang problema.

Facebook Comments