
Handa na ang Pilipinas sa pagho-host ng ASEAN Summit ngayong taon.
Ayon kay Palace Press Officer at PCO Usec. Claire Castro na inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga ahensiya ng pamahalaan na tiyaking may malinaw na pakinabang ang summit para sa ekonomiya ng bansa at ng rehiyon.
Tinalakay rin sa pulong ang mga priority plan ng pamahalaan na nakatuon sa paglikha ng trabaho, pagsuporta sa maliliit na negosyo, pagpapahusay ng digital services, at pagpapatibay ng people-centered programs.
Kabilang sa mga opisyal na dumalo sa pulong ang ilang cabinet secretary at iba pang matataas na opisyal ng pamahalaan.
Samantala, nais din ng Pangulo na mabigyan ng sapat na suporta ang BARMM sa pamamagitan ng mga nalalapit na BIMP-EAGA activities sa ilalim ng ASEAN framework.









