
Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang National Irrigation Administration (NIA) na pakinggan ang hinaing ng mga magsasaka at pabilisin ang solusyon sa kanilang mga problema.
Ayon kay Pangulong Marcos, kung may kailangan ayusin sa irigasyon, ay dapat may agarang aksyon.
Kapag maayos aniya ang mga irigasyon ay mas maganda ang ani at mas maayos ang kita ng magsasaka dahilan para matiyak ang food security sa bansa.
Kahapon ay ipinamahagi ng pangulo ang nasa 229 na makinarya para sa mga Re-Fleeting program ng NIA.
Hiling ng pangulo sa mga ito na ingatan, alagaan, at gamitin nang wasto ang mga sasakyan at pasilidad.
Facebook Comments









