PBBM, inatasan ang PhilHealth na siguruhin ang expanded coverage para sa mga miyembro nito

Utos ni Pangulong Bongbong Marcos sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) na palawigin ang coverage nito para sa kanilang mga miyembro.

Ginawa ng pangulo and direktiba matapos ang pagpupulong kasama ang mga opisyal ng PhilHealth.

Sa pulong, inilatag ng mga ito ang short-term plan o ang unang anim na bhwan para sa taong 2023 ng kanilang tanggapan kabilang na ang pagpapataas ng hemodialysis coverage mula 90 sessions at ginawang 156 session.


Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil, ang hakbang na ito ng gobyerno ay bahagi ng plano ng PhilHealth sa pagsisimula ng PhilHealth mobile app, SMS confirmations, at pagpapatupad ng bagong benefit packages ng tanggapan.

Plano rin ng PhilHealth na i-rationalize ang COVID-19 incentive packages, RT-PCR at antigen test, at isolation packages.

Para naman sa long-term plan, papasok dito ang digitalization efforts at konstruksyon ng mga gusali at iba pang pasilidad ng PhilHealth.

Facebook Comments