Ni-reject ng Pilipinas ang pag-angkin ng China sa South China Sea.
Ito na ang matapang na pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kaniyang intervention sa 43rd Association of Southeast Asian Nations o ASEAN Summit and Related Summits na ginaganap sa Jakarta Convention Center sa Jakarta, Indonesia.
Ayon sa Pangulo, naninindigan ang Pilipinas na mali ang bagong mapa ng China umaakin nang halos buong South China Sea.
Kaya ayon sa Pangulo, dapat na magkaroon ng self-restraint ang lahat ng partido para mapanatili ang peace at stability sa South China Sea.
Hinikayat naman ng Pangulo ang mga kapwa lider na makipagtulungan para maayos ang gusot sa South China Sea.
Facebook Comments