Kinakailang gawing top priority ang food security sa usapin ng global economy.
Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa isinagawang open forum discussion patungkol sa Global Economy and the Future of APEC sa ginanap APEC CEO Summit sa Bangkok, Thailand.
Sa mensahe ng pangulo, binigyang diin nito ang kahalagahan na matutukan ang food security na aniya sagot para mas maging maganda ang ekonomiya ng mga bansang kasapi ng Asia-Pacific Economic Cooperation o APEC Economic Leaders.
Bukod sa food security, mahalaga rin ayon sa pangulo na matutukan at paghandaan ang masamang epekto ng climate change at tutukan ang energy security.
Naniniwala ang pangulo na ang mga usaping ito ay hindi lang problema ng Pilipinas sa halip problema nang buong mundo na dapat seryosohin.
Sa ngayon nagpapatuloy ang APEC CEO Summit na pormal na binuksan kanina sa pangunguna ni His Excellency Gen. Prayut Chan o Cha, Prime Minister of Kingdom of Thailand.
Ang APEC CEO Summit ay isa sa pinakamaimpluwensyang pagpupulong para sa mga negosyante at government leaders sa Asia Pacific Region.
Ito ay nagbibigay ng oportunidad sa mga CEO’s at mga top executives para magkausap kaugnay sa mga mahahalagang usapin ngayon panahon.