Idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang Agosto 23 bilang special non-working day sa buong bansa para sa obserbasyon ng Ninoy Aquino Day.
Batay sa Proclamation No. 665, sa halip na sa Agosto 21, Miyerkules, gugunitain ang Ninoy Aquino Day, ay inilipat ang holiday sa Agosto 23, Biyernes para magkaroon ng long weekend.
Ang Agosto 26, araw ng Lunes, ay non-working holiday rin para sa pagdiriwang ng National Heroes Day.
Ginugunita tuwing Agosto 21, ang kamatayan ni dating Senador Ninoy Aquino sa Manila International Airport noong Agosto 21, 1983, na naghudyat ng rebolusyon sa diktatoryal ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.
Facebook Comments