PBBM, inimbitahan ang mga negosyante sa Cambodia na mag-negosyo sa Pilipinas

Maging ang mga negosyante sa Cambodia ay hinikayat ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na magnegosyo sa Pilipinas.

Ginawa ng pangulo ang pag-iimbita sa mga negosyante sa Cambodia sa ginanap na pakikipagpulong nito sa Cambodia business leaders sa harap na rin ito ng patuloy na recovery na ginagawa ng buong mundo mula sa Coronavirus pandemic.

Sinabi ng pangulo na nais niyang mas umangat ang investment opportunities sa Pilipinas kaya inimbitahan nito ang mga negosyanteng Cambodian.


Makakatulong aniya ito sa pagbago ng ekonomiya ng bansa.

Giit ng pangulo, mas gusto niyang ituon ang atensyon sa transformation ng economy sa halip na sa recovery dahil magiging iba ang bagong ekonomiya kumpara noong 2019.

Sinabi pa ng pangulo na sa harap nang pagpupursige ng kaniyang admnistrasyon na mapaangat ang ekonomiya ng bansa, kailangan aniya ng suporta ng mga private sectors.

Ipinagmalalaki naman ng Pangulong Marcos ang pagbaba ng unemployment rate para sa 3rd quarter ng taon na umabo sa 5 percent mula sa 5.6 at 5.7 percent.

Makikita aniyang nasa tamang direksyon ang administrasyon para sa patuloy na pag-angat ng ekonomiya.

Facebook Comments