Nagpaabot ng imbitasyon ang pangulo ng Mongolia kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., para bumisita sa kanilang bansa.
Ang imbitasyon ay personal na ipinaabot ni Mongolian Ambassador to the Philippines Enkhbayar Sosorbaram sa presidente sa kanilang pagkikita sa Malacañang.
Dalawang buwan ang inilatag ng Mongolian Ambassador to the Philippines na maaaring makabisita si Pangulong Marcos sa Mongolia.
Kung hindi aniya Hunyo ng susunod na taon, ay Agosto magandang bumisita si Pangulong Marcos dahil maganda ang panahon.
Nagsimula ang diplomatic relations ng Pilipinas at ng Mongolia noong 1973 at nakatakdang ipagdiwang ang 50th anniversary ng kanilang diplomatic ties sa susunod na taon
Facebook Comments