Inanyayahan ni French President Emmanuel Macron si Pangulong Bongbong Marcos (PBBM) na bumisita sa bansang France.
Ayon sa pangulo, nangyari ang pang-iimbita sa kanya sa kanilang naging bilateral meeting ng French leader na sidelines sa APEC Meeting sa Bangkok, Thailand.
Wala namang nabanggit na petsa ang presidente kaugnay nang nasabing imbitasyon ng lider ng France.
Pero inimbitahan din ng pangulo si President Macron na pumasyal sa Pilipinas.
Kahapon ay nagkita ang dalawang lider na kung saan, naging sentro ng kanilang pag-uusap ang may kinalaman sa agrikultura, enerhiya at depensa.
Samantala, kanina ay isinagawa naman ang bilateral meeting nina PBBM at New Zealand Prime Minister Jacinta Ardern sa Queen Sirikit National Convention Center.
Pero hindi naglalabas ng detalye ang Office of the Press Secretary (OPS) kung ano ang napag-usapan ng dalawa.