PBBM, inimbitahan ni US President Joe Biden na bumisita sa Amerika

Kinumpirma ni Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez na inimbitahan ni US President Joe Biden si Pangulong Bongbong Marcos na bumisita sa Washington.

Ayon kay Romualdez, nagpadala ang Estados Unidos ng sulat ng imbitasyon kay Marcos sa pamamagitan ni Second Gentleman Douglas Emhoff.

Si Emhoff ang nanguna sa US delegation na ipinadala ni Biden para dumalo sa inagurasyon ni Pangulong Marcos noong June 30.


Pero sa ngayon, wala pang schedule na inaanunsiyo kung kailan magtutungo si Pangulong Marcos sa Amerika.

Facebook Comments