PBBM, ininspeksyon ang mga bagong bagon o 4th Generation Light Rail Vehicles ng LRT 1

Mismong pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang inagurasyon ng mga bagong bagon o 4th Generation Light Rail Vehicles ng New Light Rail Transit o LRT 1

Ginawa ito sa LRT 1, Baclaran Expansion Depot, sa lungsod ng Pasay kung saan ininspeksyon mismo ng pangulo ang mga bagong bagon.

Sa talumpati ng pangulo sa ginawang inagurasyon, sinabi nitong kinilala nya ang pagsisikap ng mga taga-DOTr.


Sinabi ng pangulo, malaking kaluwagan sa mga commuter ang mga dagdag na mga bagon na ito.

Pero pakiusap ng pangulo sa mga mananakay, maging malinis at maayos sa paggamit nito.

Batay sa ulat ng DOTr ang bagong set ng 4th Generation Light Rail Vehicle ay kayang sumakay ng 1,388 na mga pasahero bawat biyahe.

May haba itong 106 metro at may lapad na 2.59 meters at may maximum design speeds na 70 KPH.

Kakaiba ito sa kasalukuyang bagon dahil ito ay Person with Disability o PWD friendly dahil may special areas para sa wheelchairs.

Bukas isang bagon ang ide-deploy sa main line ng LRT 1 para maidagdag sa araw-araw na gamit ng mga commuters.

Bukod sa mga bagong bagon may inaasahan pang 10 train sets para makumpleto ang 30 sets ng train na ilalagay rin sa LRT 1 para naman sa gagawing pagbubukas ng LRT 1 Cavite Extension Project.

Facebook Comments