Wala nang aktibong National People’s Army o NPA guerilla fronts sa Pilipinas hanggang nitong December 2023.
Ito ang iniulat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kaniyang Facebook page.
Ayon kay Pangulong Marcos, umabot na sa 1,399 ang naitalang neutralized members ng mga communist at local terrorist group noong nakaraang taon.
Habang nasa 1,751 naman ang bilang ng mga baril na nakumpiska ng pamahalaan.
Sa kabuuan aniya, naging matagumpay ang kampanya ng bansa kontra internal terrorism noong 2023.
Tiniyak din ni Pangulong Marcos na patuloy na ipaglalaban ng pamahalaan ang kampanya kontra terorismo.
Facebook Comments