
Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mas mahigpit na pagbabantay sa Malampaya East 1 o MAE-1 upang masiguro ang seguridad ng isa sa pinakamahalagang energy facility ng bansa.
Bilang tugon, nag-deploy ang Philippine Coast Guard (PCG) ng isang malaking offshore patrol vessel, dalawang patrol vessels, at mga aircraft para sa tuloy-tuloy na pagbabantay sa lugar.
Layon ng direktiba ng pangulo na protektahan ang MAE-1 dahil mahalaga ito sa suplay ng enerhiya at pambansang interes ng Pilipinas.
Ang MAE-1 ay bagong tuklas na natural gas site na matatagpuan limang kilometro sa silangan ng kasalukuyang Malampaya Field.
Ang unang bahagi ng Malampaya Phase 4 drilling program na layong palakasin ang lokal na suplay ng natural gas ng bansa.
Facebook Comments










