PBBM, iniutos ang pagpapatupad ng data-driven information system sa bawat planting season

Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang Department of Agriculture (DA) na ipatupad ang data-driven information system sa bawat planting season.

Ito’y para matugunan ang overproduction ng agricultural products sa merkado.

Sa sectoral meeting kasama ang Agriculture officials, sinabi ng pangulo na dapat handa ang mga magsasaka ng mga kinakailangan impormasyon, upang malimitahan ng mga ito ang produksyon ng agri-products sa mga pananim na in-demand o mabebenta sa merkado sa bawat partikular na panahon.


Ayon kay Pangulong Marcos Jr., sa pamamagitan nito ay maiiwasan ng bansa na magkaproblema sa overproduce ng ani, nabubulok na produkto, at hindi mabenta na prutas at gulay.

Bukod dito, tututukan din ng pamahalaan ang digitalization na layong iangat ang agri-fisheries sector, sa pamamagitan ng pagbibigay ng sapat na kaalaman sa decision-makers, mga magsasaka, food producers at consumers, kalakip ng teknolohiya at mga advance na kagamitan.

Facebook Comments