Direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga concerned government agencies, magsagawang mabuti ng evaluation para sa evacuees sa pag-aalburuto ng Bulkang Mayon upang matukoy ang nangangailangan pa ng karagdagang non-cash assistance.
Tiniyak ng pangulo na mayroong sapat at available na pondo para sa relief efforts ang pamahalaan.
Binigyang diin din niya na hindi lang monetary assistance ang pinaka- solusyon sa mga pagsubok na pinagdaraanan ngayon ng mga apektado ng pag-alburuto ng bulkan.
Giit ng pangulo, anuman ang kailangan ng mga apektado ay ibibigay ng gobyerno lalo’t lahat na aniya ng ahensya ng pamahalaan ay nakahanda nang tumulong.
Una nang inutos ni Pangulong Marcos sa mga national agencies na akuin na muna ang 90 araw na relief assistance para sa mga apektado ng pag-alburuto ng Bulkang Mayon upang makabawas ito sa pasanin ng mga lokal na pamahalaan.
Batay naman sa ulat ng Office of the Civil Defense hanggang kahapon June 14, umabot na sa kabuuang ₱13.5 million halaga ng tulong ang naipamigay na sa mga apektadong pamilya.