
Masaya si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na malaking porsyento ng mga Pilipino ang kuntento sa trabaho ng kanyang administrasyon.
Sa ambush interview sa Pasay City, sinabi ng Pangulo na nakakatuwa na nararamdaman ng marami nating kababayan ang mga ginagawa ng gobyerno.
Nakakagana rin aniya at nakakalakas ng loob ang resulta ng latest SWS survey kung saan 59 percent ang sumagot na satisfied sila sa administrasyon.
Dagdag ng Pangulo, paalala din ito para lalo pang pagandahin at palakasin ang kanilang serbisyo sa mamamayan
Kahapon, ay naging panauhing pandangal si Pangulong Marcos sa kauna-unahang graduation ceremony ng One Development Academy of the Philippines kung saan daan-daang public sector professionals ang nagtapos sa doctoral at masteral degree, at specialized executive courses sa iba’t ibang larangan.
Hinimok niya ang mga ito na gamitin ang kaalaman para itaas ang antas ng mabuting pamamahala at isulong ang kapakanan ng bawat Pilipino.