PBBM, interesadong dumalo sa UNFCCC-COP na nakatakdang gawin ngayong taon sa Dubai

Umaasa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na makakadalo siya sa gaganaping United Nations Framework Convention on Climate Change-Conference of Parties (UNFCCC-COP) na gagawin sa Disyembre ngayong taon.

Sa panayam sa pangulo matapos dumalo sa International Trade Forum na inorganisa ng Department of Trade and Industry (DTI) sa Taguig, sinabi nitong gusto nyang dumalo sa nasabing aktibidad dahil pangunahing concern ng bansa ang climate change at naniniwala syang ang gaganaping conference sa Dubai ay makatutulong sa Pilipinas para sa paglaban sa climate change.

Ayon sa pangulo ang imbitasyon ay ginawa ni United Arab Emirates (UAE) Ambassador Extraordinary and Plenipotentiary Mohamed Obaid Salem Alqataam Alzaabi, matapos na mag-courtesy call sa kanya sa Malakanyang.


Bukod dito, nais din daw ng president na palakasin pa ang ugnayan ng Pilipinas at UAE bilang bahagi ng effort ng pamahalaan na matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa UAE.

Facebook Comments