PBBM, interesadong maglunsad ng waste-to-energy projects sa Pilipinas

Nais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na magkaroon ng teknolohiya na waste-to-energy projects sa Pilipinas.

Ito ay sa gitna ng nangyayaring transition ng maraming bansa sa paggamit ng fossil fuels papuntang renewable energy.

Ayon kay Pangulong Marcos, makakatulong ang nasabing teknolohiya na makadagdag ng enerhiya sa pamamagitan ng basura.


Naging interesado ang pangulo matapos makipagpulong sa energy business sector ng Brunei na target na ring magtayo ng waste-to-energy plants.

Gayunpaman, hindi inaalis ng pangulo na ang mga hamon sa ganitong proyekto tulad ng angkop na imprastruktura upang mapakinabangan ang enerhiya na nagmumula sa mga tambakan ng basura.

Kasama na rito ang mga isyung legal at kailangang regulasyon at politika.

Facebook Comments