PBBM, inutos ang pagpapaikli ng probisyon para sa fuel subsidy

Direktiba ni Pangulong Ferdinand Macos Jr., sa Department of Energy (DOE) na iklian ang probisyon para sa fuel subsidy para sa sektor ng transportasyon.

Ginawa ng pangulo ang utos matapos ipatawag sa sectoral meeting sa Malacañang si DOE Secretary Raphael Lotilla.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Lotilla na tinalakay nila sa sectoral meeting ang mga paraan para kahit paano’y hindi lubhang ramdam ang epekto ng tumataas na presyo ng langis.


Isa sa paraan aniya ay ang iklian ang probisyon sa para sa fuel subsiby na mula sa tatlong buwan ay gagawin na lang itong isang buwan.

Nangangahulugan ito na kapag umabot ang presyo ng langis sa world market sa 80 dolyang kada barrel, hindi na kailangang maghintay ng tatlong buwan para magdesisyon ang pagbibigay ng ayuda sa mga apektadong sektor ng transportasyon.

Ngunit ayon sa kalihim, hindi ibig sabihin nito na buwan buwan may fuel subsidy sa tuwing aabot sa 80 dolyar kada barel ang langis.

Ayon kay Lotilla, ipapanukala ng Department of Budget and Management (DBM), sa kongreso ang guidelines para dito na aaprubahan mismo ng DBM kasama ang DOE at Department of Transportation (DOTr).

Facebook Comments