PBBM, inutos ang pagpapalawak sa eco zone sa Sarangani

Mas lalawak ang Kamanga Agro-Industrial Economic Zone sa Maasim, Sarangani.

Ito ay makaraang mag-isyu ng Proclamation No. 330 si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na nagtatalaga sa ilang lupain sa Saranggani bilang bahagi ng economic zone.

Inilabas ang proklamasyon alinsunod na rin sa Republic Act (RA) No. 7916 o mas kilala bilang Special Economic Zone Act of 1995 matapos rin ang rekomendasyon ng Board of Directors (BOD) ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA).


Nakasaad dito ang pagkakasama sa eco zone ng ‘parcels of land’ na may lawak na 370,705 square meters at matatagpuan sa Barangay Kamanga sa Maasim ay nakabatay sa RA 7916, maging sa Implementing Rules and Regulations (IRR) nito at sa resolusyon ng PEZA.

Matatandaang bahagi ito ng mas pinaigting na hakbang ng gobyerno sa pagtataguyod ng business at investment opportunities sa buong bansa at makaakit ng mga dayuhang mamumuhunan.

Matatagpuan naman sa loob ng Kamanga eco zone ang mga malalaking kompanya na lumilikha ng P42 bilyong halaga ng investments.

Facebook Comments