Direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Department of Education (DepEd) na tutukang ang pagsasanay pa sa mga guro, pagbibigay ng nutrisyon sa mga kabataan at pagpapahinto sa mga nagaganap na bullying sa mga eskwelahan maging online para sa mga kabataan.
Ginawa ng pangulo ang direktiba sa ginanap na sectoral meeting kaninang umaga sa Palasyo ng Malacañang.
Ayon kay DepEd Undersecretary Michael Poa, lumalabas kasi sa Programme for International Student Assessment o PISA nitong May 2022 hanggang March 2022 na kulelat o nasa low proficiency ang mga estudyante.
Dahil dito, sinabi ni DepEd Usec. Michael Poa at Usec. Gina Gonong na sa panig ng mga guro, kailangang magkaroon sila ng specialization o masters degree dahil hindi sapat na nakapasa lamang sa Licensure Examination for Teacher.
Nakikipag-ugnayan naman sila sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para mas maayos na feeding program kung sana ngayong taon mayroon nang 11.7 bilyong pisong pondo.
Sa usapin naman ng bullying, sinabi ni Poa na hindi na lamang ito nangyayari sa eskwelahan sa halip maging sa online.
Kaya paiigtingin ang mga hakbang para makontrol ito sa pamamagitan ng pagbuo ng child protection committee sa mga paaralan.