PBBM, inutos sa lahat ng sektor ng komunidad na i-adopt ang bagong brand ng administrasyon

Nagbigay ng direktiba si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa lahat ng sektor ng komunidad na i-adopt ang bagong brand at leadership campaign ng administrasyon.

Layunin nitong mas makamit ng gobyerno ang mas komprehensibong policy reforms at full economic recovery.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO) na batay sa tatlong pahinang memorandum circular na may petsang July 3, 2023 na pirmado ni Secretary Lucas Bersamin.


Nakasaad na inutos ng pangulo sa lahat ng National Government Agencies (NGA) maging sa mga Government-Owned or Controlled Corporations (GOCCs) at mga State Universities and Colleges (SUCs), na i -adopt ang ‘Bagong Pilipinas’ campaign para sa kanilang mga programa, aktibidad at proyekto.

Naaprobahan rin ang logo ng bagong Pilipinas.

Ayon pa sa PCO ang ‘Bagong Pilipinas’ campaign ay nagsisilbing tema ng Marcos administration na nabuo sa pamamagitan ng principled, accountable and dependable government sa tulong ng unified institutions ng komunidad na may layuning matukoy ang layunin at inspirasyon ng bawat Pilipino.

Facebook Comments