PBBM, inutos sa mga concerned agencies ang pagbibigay ng tulong sa grupong Malaya Lolas

Direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga concerned agencies na tulungan ang kaso ng grupong Malaya Lolas.

Ang Malaya Lolas ay ang grupong biktima nang sexual slavery ng Japanese imperial army noong World War II.

Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Chelloy Garafil, inutos ng pangulo ang pagtulong sa grupo matapos ang ulat ng UN Convention on the Elimination of Discrimination Against Women o CEDAW na hindi man lang natulungan ng gobyerno ng Pilipinas ang Malaya Lolas na dating grupo ng “comfort women,” sa kanilang claims laban sa Japan.


Sinabi ni Garafil na ayon sa pangulo kinikilala ng kanyang administrasyon ang mga matatapang na mga Pilipinong kababaihan noong panahon gyera ng 20th century.

Facebook Comments