PBBM: Ipatutupad na price ceiling simula bukas, pansamantala lamang 

Hindi magtatagal ang ipatutupad na price ceiling sa bigas na ₱41 kada kilo sa regular milled at ₱45 kada kilo naman sa well-milled na bigas.

Ito ang tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kaniyang talumpati bago umalis patungong Jakarta, Indonesia para dumalo sa 43rd Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit.

Ayon sa pangulo, pinamamadali niya na sa Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Agriculture (DA) ang pagtukoy kung gaano karami ang maaapektuhang rice retailer para mabigyan ng ayuda.


Inutos din ng pangulo ang mas masigasig na pagtugis sa mga smuggler at hoarder ng bigas, ito raw kasi ang pinakadahilan kung bakit umaabot sa lampas ₱50 ng kada kilo ng bigas.

Habang inaasahan ayon sa pangulo na mas gaganda ang suplay ng bigas ngayong Setyembre na mula sa lokal na ani at importasyon.

Kaya aasahan aniya na hindi magtatagal ang price ceiling at maibabalik sa normal ang presyo ng bigas.

Facebook Comments