PBBM, ipinag-utos ang maagang paglalabas ng suspensyon ng klase at trabaho kapag may bagyo

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nakatutok ang pamahalan sa sitwasyon, at epekto ng Bagyong Enteng sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Sa ambush interviews sa Malacañang, sinabi ni Pangulong Marcos na bukod sa mahigpit na monitoring, inatasan din niya ang mga ahensya ng pamahalaan na maagang maglabas ng bulletin ng suspensions.

Nais daw ni Pangulong Marcos na bago matulog ang mga tao ay alam na nila kung may pasok sa mga paaralan at trabaho kinabukasan para madali silang makapag-adjust.


Dagdag pa ng Pangulo, may standard operating procedure na rin na sinusunod ang mga ahensya ng pamahalaan kapag may bagyo.

Tulad na lamang aniya sa mga pasok sa paaralan na ang mga Local Government Unit (LGU) ang nagdedisisyon maliban nalang kung may region-wide assesment.

Sa mga trabaho naman, ang tintignan daw ng pamahalaan bago magsuspinde ay kung mahihirapang pumasok at umuwi ang mga empleyado.

Sinabi naman ng Pangulo na naka-preposition na ang mga tulong na ibibigay ng pamahalaan sa mga maapektuhan ng Bagyong Enteng.

Facebook Comments