PBBM, ipinamukhang hindi siya “mahinang pangulo” sa gitna ng destabilization plot laban sa administrasyon

Ipinamukha ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kanyang mga kritiko na hindi siya mahinang klase ng pangulo at epektibo ang kaniyang pamamahala sa mga umuugong na destabilization plot laban sa kaniyang administrasyon.

Ayon kay Pangulong Marcos, patuloy ang paglakas ng intel services ng pamahalaan lalo na ngayong mas marami na ang dapat bantayan.

Ito aniya marahil ang dahilan kung bakit madaling nawawala ang mga ugong-ugong ng destabilisasyon dahil magaling ang intelligence ng gobyerno.


Giit ng pangulo na nagagawa nito ang kanyang mga trabaho at tungkulin sa gobyerno na nagpapatunay na epektibo siya sa kanyang sinumpaang tungkulin para sa mga Pilipino.

Nilinaw naman ng pangulo na ang intel gathering ng bansa ay mas nakatutok sa panlabas na banta sa Pilipinas.

Facebook Comments